Akala ko madali lang. Syet. Maraming nagkakamali sa maling akala.
Today was a very stressful day. Pasaway na mga bata.
Sabi ko na nga ba, pag mabait ka, aabusihin ka eh.
Hindi pa man nagpre-prelims, naglalabasan na ang mga sungay. No wonder puro incomplete paglabas ng class cards.
Ayaw ko na maging mabait.
Pwede pa ba magresign?
Definitly, itong sem lang na ito ako magtuturo. Ayaw ko na!!!!!!!!!!!!!!
My golly, nagbigay ako ng assignment, take note assignment na huh, nag-long weekend, pagpasok sa class puro hindi pa tapos. Fine, nagbigay ng extension. Putcha naman, kinopya na nga lang, mali pa. Syet naman out of 25, may naka-1 pa eh plus 1 ko na nga yun eh. Ano ba????
Bakit ako nung estudyante, never ganyan?
Taz magdadaldalan pa during class o kaya gagawa ng ibang assignment? Tama ba yun?
Kahit anong gusto ko na may matutunan sila kung ayaw pala nilang matuto, wala me magagawa.
Please lang, sayang lang pinang-tuituition nyo mga bata.
Kawawa ang mga magulang.
In fairness, may isa per class na nag-eexcel at nag-eeffort. Kung hindi dahil sa kanila, I would give up.
Bigyan ko kaya ng award bago mag-pasko?
Sobrang nakakadrain...