Napuyat ako sa movie na ito. Pinanood ko kagabi. Curious ako kasi andaming Oscar Nominations and awards ng natanggap. And of course I was wondering how a gay love story could become the epic love story touted today. Oo na, sasabihin ko, I had high expectations. Dapat pala, wala he he he. In the first place, DRAMA yung movie, as in... drama kung drama sa bagal. Sabagay, maganda ang cinematography. Sus, ang ganda ng nature scenes. In fairness, magaling si Heith Ledger and Jake Gyllenhall. Para sa mga gustong makakita ng frontal nudity (ooops, hindi po ni Heith and Jake, pwet lang nila makikita nyo), meron. Nalokah nga ako eh. Si Princess Diaries and Ella Enchanted Ann Hathaway, nagpakita ng boobs. Di ko maimagine! Si Michelle Williams din, pero sa kanya, ok lang, slut naman kasi siya sa Dawson's Creek di ba? Pero alam nyo, sa character nya ako sobrang nakaemphatize.
Di po kasalanan ang umibig, kay boy-girl, boy-boy or girl-girl but the bottomline is, dapat walang nasasagasaan na tao. Yun lang naman eh. Ok, nagkainlove-an yung dalawang cowboy. Fine. Pero, after they separated the first time, and got married to their wives, dapat hindi na sila nagkabalikan.
Sheeet, umiyak ako nung makita ni Michelle Williams yung asawa niya may kahalikang lalake. Parang tinarak ng kutsilyo ang puso ko. What's worse, wala siyang magawa. They had two babies to take care of. Tapos, eto namang si lalake, nag-aalibi pa na fishing buddies, and they have been doing it for 20 years. Cguro nung di na kaya ni Michelle, nakipagdivorce siya. I was rooting for her. Kasi siya yung api eh. Lalo na nung binuko niya yung asawa niya. Sabi niya, hindi kayo nagfifishing dahil may note siyang tinali sa fishing rod at hindi man lamang nabasa. Kakaloka, yung lalaki pa ang nagalit sa kanya.
Hmp. Anong magandang message ba ang binigay nung film? Na kesyo its a bold gay movie? Nyek. That the power of love could withstand the test of time? Nyek ulit. Ok lang yun, as long as walang ibang taong nasasaktan, walang ibang tao na niloloko. Kasi yung love nung dalawang cowboy, for me, it's selfishness. or siguro nga tao lang sila, may mga weaknesses. Ako man, aaminin ko, pagdating sa love, irrational ako eh he he he. tatanga-tanga minsan.
But of course, we are talking about movies here kaya syempre, may expectations ioka nga. So ngayon, im rooting for Walk The Line for best picture. Ok lang sa akin na manalo si Heith, Jake and Michelle. They are all great but overall, the movie itself, hindi ako solb.
1 comment:
Looking for information and found it at this great site...
Canadian+fioricet+rx Botox dizzy adverse botox reaction diazepam and lorazepam at the same time French louis xvi dining chairs Adverse botox reaction Studies done on zyban Callcenter serial 3.9 allergan better than botox Safety evaluation of skin care products botox alternatives botox education http://www.piranhapaintballgun.info/Mla-botulinum-toxin.html Asian doggy freshers jobs Marker adrenaline jacket Botulinum maker
Post a Comment