Saturday, October 11, 2008

Tuwing Umuulan

Isang Tula
isang tula noong ako ay walang magawa…

Sa bawat pagpatak ng ulan, may kasamang patak ng luha.
Iisipin mo na panaginip, ang lahat ng dumaan.
Ninais na magising, upang baguhin ang lumipas.
Wala ng magagawa, kundi lingunin ang nagdaan…
Umiling, sabihin sa sarili,
Magbabago din ang lahat…
Ngunit kapag ang puso ay pagod na pala
Kahit anong isip, o dikta ng isipan…
Manhid na, pagod na, wala ng pakialam…
Sa mga nagdaang lumipas
Sa mga panahong naglaho
Ang mga yapak ng kahapon
Animo’y yapak sa buhangin sa dalampasigan…
Na pag dinaanan na ng tubig dagat
Sa isang iglap ay mabubura.
Sa pagtulog, may pahinga nga ba?
Sa paggising, may bago bang lakas?
Ang bukas ba ay puno ng pag-asa?
O katulad lamang ng mga nagdaan?
Sa isang pitsel na tubig, kalahati ang laman
Ito ba ay puno o kulang?
Ang bukangliwayway ba ay maganda
Kung sa dapithapon, ang araw ay magpapaalam din naman…
Oo nga at may buwan at bituin,
Marikit tingnan sa kalangitan
Ngunit kaylamig, katulad ng hangin sa gabi
Walang pakialam…

No comments: