Wednesday, November 11, 2009
Choices
Ang tagal ko ng hindi nagsusulat sa blog. I think I am the writer na tamad magsulat. I have been kidding myself. Oo nga writer nga ako, pero 10 years ago na yata yung huling short story ko na napublish. Since then, I have never been inspired to write. Commercially, yeah, naprapractice ko pa rin ang craft ko sa paggawa ng press releases for clients, reports etc. Pero literary? Zero pa rin.
Nangarap ako noon na makita ang pangalan ko sa byline - natupad naman. Ilang mga short story and poems ko ang napublish. Pero ang tagal na noon.
Gusto ko magsulat ng nobela pero wala pa ako o tamad ako o ayaw ko.
Ewan ko ba.
Ngayon nga, may mga pangyayari sa buhay ko na nagpabago sa lahat. Katatapos lang ng kaarawan ko noong isang buwan. Kung pwede nga lang ba kasama sa mga innod ng baha ang lahat ng mga hindi magagandang pangyayari sa buhay ko. Sana, nagsisimula ulit ako. Yun bang maging 20 years old ulit. O kaya ulitin ko yung high school life ko.
Ang dami-dami kong mga desisyon na dapat hindi ko ginawa o mga katanungang ngayon ay bumabgabg sa akin - what if iba ang choice ko? Ano na kaya ako ngayon?
Bigat.
Sa estado ng buhay ko ngayon, wala naman ako pinagsisisihan. Sabi ko nga, I am content. Sa totoo lang, wala na naman ako hinahangad na iba para sa sarili ko. Wala na akong gustong mangyari - which is parang hindi na mganda. Kasi kung walang goals, walang point na magstrive at mabuhay.
Nung elementary, high school and college, ang goal lang eh makatapos. Bonus na lang pag naging honor student. While working, ang goal ay makakuha ng trabaho to be financially independent, pero pagkatapos magpaalila sa corporate world, eh di naman yata sapat na patayin ko ang sarili ko kapalit ang pera.
Buti na lang hindi ako magastos na tao, hindi ako what's the term? Hindi ako high maintenance. Sus, when I quit working for companies and decided to work for muyself, katakot-takot na hirap ang dinanas at na-experience ko.
Pero kung titimbangin, saan ba ako mas naging masaya?
Looking back, feeling ko para akong isang dahon na nalaglag sa ilog o bangkang papel na sumusunod lamang sa agos ng tubig.
Minsan, gusto ko murahin ang sarili ko. Wala ba akong buto para gawin ang mga bagay na gusto ko talaga? Kaso ang nakakatawa, hanggang ngayon hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ko.
Yan ang hirap sa tumatanda eh, baka napaglipasan ko na yung pangarap ko.
Echos!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment