101 days before Christmas! Grabe, Pasko na naman. Parang katatapos lang ng Mahal na Araw at hindi ko na naman namalayan na Pasko na.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Eto na naman ako, pasakay ng lrt. Papasok sa school, hindi para mag-aral kung hindi para magturo. Tumatanda na ako. Bakit nga ba sa dinarami-daming propesyon, pagtuturo pa napili ko. Cum laude naman ako. He he he, nakakapagod din naman kasi magtrabaho sa opisina. Sampung taon ang ginugol ko na may boss, may amo at pinapagyaman ang iba't-ibang kumpanya, saka ko narealize, oh God I hate this life.
I have always wanted to teach. Yun nga lang hindi ako nag-education kasi sabi nga, wala daw yumaman na titser. Ewan ko lang, para kasing marami akong gusto ishare sa mga kabataan. Para kasi nuong estudyante ako, maraming mga maling ituro.
Gusto kong sabihin sa mga estudyante na, hey guys, enjoy being a student while it lasts. Habang binibigyan pa kayo ng allowance ng mga magulang nyo, ienjoy nyo dahil sa real world, kung kayo na bumubuhay sa sarili mo, ikaw na talaga bahala sa buhay mo.
Hindi na pwede kumopya sa katabi pag may pinagawang memo sa yo o di kaya ay magpagawa ng report sa Recto.
Oooooops. Biglang huminto ang tren sa pagitan ng Santolan at Katipunan. Nabasag pagmumuni-muni ko ng isang ale na nagtatatalak.
'Bastos ka! Kanina ka pa nanunulak!'
Kawawa naman yung mamang inaaway nung ale. Eto namang ale, walang patumanggang tumalak eh. Sino ba inaaway nito? Hala, ang co-teacher ko pala na hindi ko masyado kakclose. Si Prof. Bahandi. Tsk tsk, ang hirap talaga pag rush hour. Kawawa naman si Mark, sigurado ako hiyang-hiya na eto sa pinagsasabi ng ale.
Hindi ako makapagpigil, 'Ang ingay-ingay naman! Kung nasisikipan kayo, magtaxi na lang kayo!' sabi ko. Malakas ang loob ko kasi nakaupo ako at hindi ako nakikita ng nagwawalang ale.
Alam ko nabosesan ako ni Mark. Kawawa naman kasi si Mark eh, mas naaawa ako sa mga estudyante niya at baka mapagbalingan nya ngayong araw na ito ng kanyang pagkabadtrip sa ale.
Hindi katulad ko, si Mark ay talagang kumuha ng education at planado talagang maging guro. Bata pa naman si Mark, siguro matanda lang ako sa kanya ng ilang taon. Dahil nga medyo kabataan pa, halos kaidaran lang niya ang mga estudyante sa kolehiyong pinagtuturuan namin.
Achiever yang si Mark. Sa pagkakaalam ko, cum laude din pagkagraduate at kinuha agad magturo sa kolehiyo. May katangkaran si Mark, mga 5'8, moreno at may magandang pangangatawan. Siguro naggygym etong si Mark dahil bakat sa barong na uniporme niyang suot ang kanyang dibdib.
Maamo ang mukha ni Mark, yung bang tipong hindi nang-aaway at hindi gagawa ng masama. Mapula ang labi na parang ang sarap halikan, mahaba ang pilikmata, mapungay ang mga mata at ang tangos ng ilong. Mas lalong nakadagdag sa kanyang kakisigan ay yung mga dimples niya sa kanyang mga pisngi na lumalabas pag siya ay ngumingiti. Isama mo pa duon ang parang balahibong pusa niyang bigote.
Sus, bakit ba ang dami ko yatang alam kay Mark? Eh kasi naman, sa unang tungtong ko pa lang sa kolehiyong ito, pagkakita ko sa kanya, nakaramdam na ako ng kakaiba. Gusto ko siya.
No comments:
Post a Comment