Monday, September 14, 2009

LRT Ride Chapter 1

Note: This story was written while riding the LRT this morning using my Nokia E63 cellphone.


'Bastos ka! Kanina ka pa nanunulak ah! Kalalaki mong tao, bastos ka' sigaw ng isang ale.

'Di naman sinasadya. Masikip ang lrt lalo na't umaga.' sagot ng lalaking nakabangga sa ale.

'Anong masikip, kanina ka pa sa escalator. Bastos ka, walang modo. Kanina ka pa eh. Nanunulak ka eh. Para kang walang pinag-aralan!' singhal pa rin ng ale na dinig na dinig na sa buong coach ng lrt line papuntang Recto.

'Ale, iba yung nanunulak sa nabangga. Alam nyo nmang sisiksikan at masikip' katwiran ng mama.

Hindi naman papaawat ang ale. 'Kanina ka pa nanunulak eh. Kalalaki mong tao. Bastos ka. Wala kang galang sa babae.'

Ayaw pa rin magpaawat ng ale na kahit nakakaistorbo na sa ibang mga pasahero, putak pa rin ng putak. Para sa mga estudyanteng mananakay, dito na sila sa lrt nagrereview. At sa katulad ko na maagang nagigising, dito na ako sa lrt umiidlip at nagnanakaw ng tulog. Siguro ay may ilang pasahero na rin ang naiistorbo kaya may mga humihirit na.

'Kung ayaw mo mabangga, bumili ka ng tren mo!'

'Magtaxi ka na lang!'

'Bumaba ka na, ang ingay mo!'

'Guard, para daw may bababa!'

Na lalong nagpainit sa ulo ng ale.

'Mga bastos kayo! Paano kung nanay nyo ang naitulak ha!' singhal ng ale.

Sa totoo lang, wala naman makakuha ng simpatya ang ale dahil ayaw nya tumahimik. Kahit nga ang kapwa nya babae eh napapailing na lang dahil tama na nga siguro ang isang beses na pagpuna. Laha naman nagsasakripisyo kapag ganitong umaga at siksikan sa lrt.

Siguro, para matapos na lang ang pagwawala ng ale, sabi na lang ng mama.

'Eh kung naitulak ko man po kayo, pasensya na po. I'm a professor at ayaw ko po na patulan kayo.'

Pero sadya yatang pinakain ng pwet ng manok ang ale ng sanggol pa ito.

'Ayan, marunong ka naman palang humingi ng sorry. Hindi yung porke babae, pwede mo ng itulak-tulak. Kayo talagang mga lalaki, walang modo. Propesyunal na naturingan, bastos. Bastos!!!!!'

Kung ako yung lalaki, babawiin ko yung sorry ko. Ang lumalabas na bastos na dito eh yung ale na wala pa ring tigil sa pagputak na parang inahing manok na hindi makapangitlog.

'Ano ba, ang ingay ingay naman.'

'Hindi na ba titigil yan'

Inis na ang ibang mga pasahero na lalo naman nagpatindi sa pagwawala ng ale.

'Dyan kayo magagaling. Mga bastos kayong lahat! Mga walang modo. Kawawa ang mga asawa nyo, mga anak na babae, mga nanay nyo. Kalalaki nyong tao, mga bastos kayo!' gigil na gigil na yung ale.

Hay, kawawa naman yung mga estudyante ng mama, kasi I'm sure, doon niya ibubunton ang pagkasira ng araw niya dahil lamang sa siksikan sa lrt.

No comments: