Friday, August 08, 2014

My (Gay) Love Story

I never knew you were gay.

Akala ko, barkada lang tayo. Nakakatuwa nga ng tinanggap mo akong maging kaibigan sa kabila ng preference ko. Hmmm, dapat pala clue na yun no? I mean, may straight na lalaki ba na makikipagbarkada sa hindi straight?

Pero high school pa naman kasi tayo nun eh, so hindi pa ako ganun kahalata. Siguro type mo na ako nun pa no? Kasi never naman kita naging kaklase, saka bakit naman ako makikipagkaibigan sa yo, wala naman tayong something in common.

Lagi mo akong pinapansin. Hindi ko naman binigyan ng malisya yun aksi nga friendly naman ako.

Fast forward 20 years.

Out of the blue, minessage mo ako sa Facebook. Oo naman kilala pa kita. Kakatuwa nga na hinanap mo pa talaga ako sa Facebook para makuha number ko.

Ayan, tinetext text mo na ako. Tapos tinanong mo kung duon pa rin ako nakatira. Nung sinabi kong oo, aba nung weekend na yun, pinuntahan mo agad ako...

Kwentuhan, reminiscing old times.

At nung nagpaalam ka, I was just going to shake your hands pero anong ginawa mo?

Ninakawan mo ako ng halik.

At dyan nagsimula ang ating love story...

No comments: