Saturday, October 29, 2011

Break Up Letter (4/16/08)

Yesterdday, I wrote this letter because I was so angry, but after writing it down, I never sent it...
Napapagod na ako sa paulit-ulit nating pag-aaway. Kung umabot man sa ganito yung sitwasyon, wag na nating patagalin. Naririndi na ako sa kaka-paguilty mo dahil ako may work na regular dito sa Makati. In the first place, nung ipinasok kita, may mga pangarap tayong dalawa. Di ba nga sabi mo pagbubutihin mo dahil gusto mo ng maging maayos. Hindi ko alam kung ano nangyari talaga, pero when you resigned, sinuportahan kita. Pero ang hindi ko magawa nung mga time na yun eh magresign din dahil alam mo kung gaano kalaki ang dapat bayaran buwan-buwan. Kung nagresign ako, saan tayo pupulutin? Pakita mo naman ang gratitude sa trabaho ko dito dahil aminin mo man o hindi, nakatulong din naman ito sa yo. Dito ko kinukuha yung allowance na binibigay ko sayo di ba?

Araw-araw, napapagod ako sa naririnig ko sa yo na kesyo andami mong ginagawa, andami mong tinatawagan na kesyo busing-busy ka. OO alam ko yun pero nakalimutan mo yata na nung ginagawa ko yan for the past five years, wala kang naririnig sa akin na ganyan. Kung ipapamukha mo lng sa akin yang ginagawa mo, tandaan mo, never ko pinamukha sa yo mga ginagawa ko. Hindi mo kasi alam nakakasakit ka na.

Kung ano man mga pangarap mo, kung ano mga bagay na gusto mong matupad, ikaw na lang. Lagi ako may maririnig at maririnig sa yo. Ipamukha mo na Scorpio ka. Balikan mo ako kung successful ka na, magiging masaya ako sa yo.

I think hindi na magbabago relasyon natin, mas lalo lang magiging worst. Hindi na mababago yung mga nangyayari. Ginagawa ko na lng magagawa ko para makapagbayad ng utang, gusto ko magmove-on.

Nasasaktan ako dahil hindi mo makita yung mga sakripisyo ko. Ultimo pamasahe ko, sinasakripisyo ko kung may kailangan ka.May cheque ako na puputok sa Friday pero mas inuna ko pangangailangan mo. Kung may mga babayaran, hindi ba mas nauunang bayaran yung mga nahiraman mo? Yung mga hiniraman ko, ako na nagbabayad hindi na binabawas sa ES? Kaya kung akala mo may nakukuha ako sa mga trinabaho natin, wala din. Sa loob ng limang taon, alam natin mgainvestments natin, alam natin yung mga sinakripisyo natin. Sana huwag mo kaolimutan na hindi lang ikaw ang namromroblema ng kakainin sa araw-araw. Akala mo ba enough yung binibigay ko kina nanay? Sino ba ang nagbibigay sa aming magkakapatid? Ako lng saka si Arlene. Aalis na si Arlene bukas. Hindi agad makakapagpadala yun, ngayon, saan ako kukuha ng papangkain naming? Sa sweldo ko? Alam mo kung magkano lng natitira dun, pamasahe ko kulang pa. Excuse ko na lng na nagdidiet ako at naglalakad pauwi kasi nagtitipid ako. Nagbabaon ako ng tanghalian. Putsa, manager ako pero mas mahirap pa ako sa mga staff! Pero tinitiis ko yun. Dahil TWO YEARS pa ako magbabayad ng mga utang. Naiintindihan mo ba yun? TWO YEARS pa ako mamromroblema ng 15 thousand kada buwan.

Pero napapagod na talaga ako. Hindi yung pag-absent dito sa work ang ikinaayaw ko kundi yung pagplaplano. Bakit parang sa bawat sabihin mo, kailangang sumunod ako? Ilang beses ko na sinabi sa iyo na ginagawa mo akong personal assistant mo pero parang wala sa yo yun. Parang I have to drop everything para gawin yung pinapagawa mo. Hindi yun eh. May sarili rin akong buhay, may sarili ako diskarte kung papaano gawin ang mga bagay. Kung sa tingin mo mali diskarte ko, diskarte ko yun.

Yang BIR at sa bangko, bakit ako ang sinisisi mo? Kailan ko pa ginawa yang BIR? Last week pa. Yung bangko, bakit naclose account? Kasalanan ko kasi hindi ko man lang dinepositohan? Saan ako kukuha ng pangdeposito? Sweldo ko na nga lng kulang pa. Ni pambili ko ng brief o medias, hindi ko magawa. Luma na mga barong na sinusuot ko, butas na pantaloon, lumang sapatos. Hindi ako makabili.

Alam mo kung saan ka magaling? Ang awayin ako. Napapagod rin talaga ako. Kung plinano mong maayos yan, hindi ka dapat maiipit. Pero as usual, dahil scorpio ka, hindi ka nagkakamali. Ako na naman ang may kasalanan.

Pwes, pagod na ako sa pag-ako ng mga pagkakamali at kasalanan.

Wala na ako hihingin sa yo, palayain mo na lang ako. Kung babayaran mo mga utang mo, salamat. Hindi ako nagmamadali. Unahin mo bayaran utang kay nanay. Yung sa akin, bahala ka. Bahala ka kung paano mo tatanggapin mga sinasabi ko. Magalit ka, sa akin ka magalit. Scorpio ka di ba? I-curse mo ako. It doesn’t matter anymore. Dagdag lang yan sa mga pinoproblema ko. What else is new? Sabihin mo na makarama ako, ok lng. Ituring mo ako na patay na, ok lng. Iba ang bigay sa utang pero para sa ikakapanatag mo, ibigay mo lang sa akin kung ano yung dapat, nothing more nothing less.

Wag mo ako bigyan sa EKS, sa Estar Kidz, ok lang. Sabi ko nga, bahala ka. Wag mo ako ituring na kapamilya, yung family ko, talikuran mo na, ok lang. Napapagod na ako. Nag-gigive-up na ako.

Yang Events Solutions, malaki pangarap ko dyan pero kung itutuloy mo, salamat. Hindi na ako kasama dyan. Iibahin ko na lang ang buhay ko.

Ayaw ko na makaramdam, ayaw ko ng masaktan, marami pa ako pinoproblema, hindi lang ikaw.

Pumunta ka na lng sa US. Doon mo buuin mga pangarap mo. Hindi na ako kasama.

Kung kailangan mo yung mga cheque, pipirmahan ko na lahat para magamit mo.

Yung ss sta. Lucia na lang ang kailangan ko dahil hindi ko na pera yun, sa kuya ko yun. Isang buwan ng delayed. Pagkatapos nito, kanya-kanya na tayo kung hindi mo ako kayang tanggapin kung ano lang ang pwede kong gawin.

Isipin mo na ang lahat ng masama sa akin. Siguro, ito na yung huling pagtanggap ko ng pagkakamali. Salamat sa lahat. Tapos na po. Kung hindi na tayo mag-uusap pagkatapos nito, ok lang. Kesa nag-uusap tayo, mag-aaway lang tayo. Ayaw ko na rin na sweet ka sa akin kung may kailangan ka lang. Ano yun? Ayaw ko na rin na maging kapalit ng kung ano man eh sex, hindi rin ako masaya na ganun.

Sige, good luck na lang sa yo, sa family mo at sa wife mo. Pare-pareho naman tayo nahihirapan para abutin mga pangarap natin.

1 comment:

Anonymous said...

Sus, nababasa ko mga entry mo... Pinost mo sa frienster itong blog na toh eh...

Sana sinend mo sa kanya diba?! Alam mo naman na galit ako kay Marlon!

You deserve someone better!

Katulad nung nanghiram ka ng 3,000. Alam ko kay Marlon yun, hindi lang kita mahindian kasi naawa ako sayo.


Bakit mo pa sya ginagastusan?! Diba nag-asawa na nga sya! Iniwan ka nya sa ere! Sarili lang nya iniisip nya!

Bakit tinitipid mo sarili mo para sa kanya!

Putcha, scorpio nga yang si Marlon! Selfish! Sarili lang nyan iniisip nyan!

Kaya maging strong ka at iwan sya!

Tutulungan kitang magbayad ng mga utang mo, pati makapunta dito dahil pag Resident na ako dito makukuha ko na kayo nila Nanay.

Pero hanggat hindi mo iniiwan si Marlon, hindi kita matutulungan lalo na sa pera.

for sure, mapupunta lang kay Marlon yun.

Kuya Junior alam ko masakit sinasabi ko, pero gumising ka nga!

Wala kang mapapala sa kanya! Wala syang kwentang tao!!!

Mahal kita kaya ko sinasabi sayo tong mga toh! Gising bro!!!